54

Sep 7, 2021 @ 15:18
By

Ex ni Rabiya Mateo nag-apply sa Bahay ni Kuya

Gustong maging housemate sa “Pinoy Big Brother” ang nurse na dating nobyo ni reigning Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Nag-upload si Neil Salvacion ng audition video sa Kumu.

Sa video, sinabi niya kung bakit dapat siyang mapiling housemate sa Bahay ni Kuya.

“Ako po ay isang COVID nurse na dapat ay mag-a-abroad pero mas piniling manilbihan dito sa bansa bilang isang frontliner. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ang buhay ko po ay hospital-bahay. Minsan, masisilayan mo ang huling hininga ng mga pasyente. Ito at iba’t ibang hugot sa buhay ang aking maiaambag sa PBB Kumunity — kung paano ang buhay ng isang frontliner,” aniya.

“Bagong bahay, bagong buhay, bagong mga hamon sa buhay. Muli, ako po si Neil Salvacion, 27, ang frontline-nurse ng Iloilo City,” dagdag niya.

Noong June kinumpirma ni Neil na break na sila ni Rabiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?