80

Ex-NCIP official kakasuhan sa maanomalyang cash advance

Sharing is caring!

Sasampahan na ng kaso ng Office of the Ombudsman ang dating regional director ng National Commission on Indigenous People (NCIP)-Region 10 dahil sa maanomalyang cash advance noong 2010.

Lumabas sa imbestigasyon ng Ombudsman, nabigo si Abdul Puengan na isumite ang liquidation report ng kanyang cash advance na kinabibilangan ng travel expense, miscellaneous expenses at tribal meeting sa loob ng dalawang taon.

Si Puengan ay tumanggap ng P170,000 na cash advance mula December 2010 hanggang July 2011.

Iginiit ng Ombudsman, matibay ang mga ebidensya laban kay Puengan kaya dapat masampahan ng kasong paglabag sa Article 218 ng Revised Penal Code.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?