49
Ex-NBA star World Peace sali sa coaches convention
By ,

Ex-NBA star World Peace sali sa coaches convention

Kabilang sa darating na NBTC/Go for Gold coaches convention ngayong Marso 22-24 sa Mall of Asia Arena si dating NBA superstar Metta World Peace.

Makakasama ni Peace ang ilang batikan at dalubhasang coaches gaya nina Tab Baldwin, Nash Racela at Rob Beveridge, na magsasalita rin sa nasabing convention.

Bukod sa tatlong coaches, makakasama rin sa pagtitipon na ito ang veteran FIBA doctor na si George Canlas, Singapore sports official Vincent Ong at motivational speaker Ardy Abello na tatalakayin ang ilang aspeto ng basketball na may kinalaman sa pag-coach ng mga batang manlalaro.

“As you can see, our theme for this edition of the Coaches Convention is, ‘Coaching Excellence: Empowering the next generation athletes.’ And while many principles remain the same over the year, the techniques as well as understanding people in our ever-changing world have made sports and coaching even more challenging,” wika ni NBTC director Eric Altamirano.

Tatalakayin ni Abello ang kahalagan ng leadership sa sports at coaching, si Dr. Canlas ang magsasalita tungkol sa Hydration at Injury prevention habang si Ong naman magpapaliwanag tungkol sa “What makes a great youth coach?”

Si Racela naman ang bahala sa offensive concepts sa high school, si Joy Reyes ang tatalakay tungkol sa kahalagahan ng paghahanap ng isang talento habang ibubunyag naman ni veteran strength at conditioning coach Dan Rose ang sikreto ng isang ultimate training.

Magtururo naman ng depensa at basketball opportunities Metta World Peace habang ibabahagi naman ni Baldwin ang mga paraan paano maging kalmado sa gitna ng pressure.

“We believe that this current batch of coaches and instructors will provide a unique insight into developing young players and molding them into upright citizens of the world as well as top student-athletes,” dagdag ni Altamirano.

Ang registration ay magsisimula ng 12 ng tanghali sa Marso 22 at bukas ito sa lahat ng coaches maging sa mga public school teachers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?