110

Dec 21, 2017 @ 13:55

Ex-NBA star naghimutok sa ninakaw na kubeta

Umani ng kritisismo mula kay dating NBA star Charlie Villanueva ang mga pulis sa mabagal na pagtugon sa ninakaw niyang kubeta sa bahay nito sa Dallas, US.

Ayon sa 33-anyos na player at dating naglaro sa Dallas Mavericks, apat na beses na siyang tumawag sa nanakaw niyang kubeta pero mabagal ang responde dito ng mga pulis.

Umuwi umano siya sa kanyang Dallas pad at nakitang nawawala na ang ilan sa kanyang mga gamit kabilang na ang kanyang kubeta nitong Martes (Miyerkules, Manila time).

Pinakita pa nito sa kanyang IG account ang larawan kung saan nawala ang kanyang toilet bowl.

“They stole my toilet … I’m not making this shit up! Still waiting @DallasPD,” sabi nito sa caption.

Sa kanyang karera bilang basketbolista ay may kinitang higit sa $50 milyon si Villanueva.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?