84

Dec 9, 2019 @ 19:02
By

Ex-NBA cager dinedma ang bandila ng China, pinagmulta

Dahil sa pangdidedma sa bandila ng China, isang French former NBA player ang pinagmumulta ng $1,400 o mahigit sa P70,000.

Nag-ugat ito habang isinasagawa ang “March of the Volunteers” kung saan sa TV ay makikitang nakatingala ang mga manlalaro ng Chinese Basketball Association (CBA) habang inaawit ang kanilang national anthem.

Tanging si ex-NBA player Guerschon Yabusele na kabilang sa Nanjing Tongxi Monkey King team ang namataang nakayuko, sa halip na sulyapan ang bandila ng China bilang respeto rito.

Si Yabusele, na forward ng Boston Celtics, ay naglaro ng dalawang season bago sumabak sa CBA ngayong 2019.

Sa ngayon ay wala pang komento ang nasabing player na napatawan ng “serious warning” at multa.

“This player must be expelled immediately and his club must be disqualified from the championship,” banat ng isang netizen.

“He has his head down. So what? In what era does the CBA live? It’s 50 years behind,” pagtatanggol naman ng isa sa pasaway na player.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?