17

May 10, 2021 @ 16:35
By

Ex-national table tennis coach, pumanaw na

Pumanaw na ang dating national table tennis player at coach ng bansa na si Oscar Santelices sa edad na 59.

Inanunsyo ito ng pamilya ni Santelices. COVID-19 umano ang sanhi ng kanyang pagpanaw.

Nagsilbi si Santelices sa pambansang koponan ng table tennis sa isang kompetisyon ngunit mas matagal itong nanilbihan bilang coach ng nasabing koponan, kung saan nagsimula ang kanyang karera mula late 90’s hanggang 2004.

Taong 2004 naman ay naging secretary-general siya ng Table Tennis Association of the Philippines (TATAP).

Naging coach din si Santelices ng UP table tennis team kung saan pinangunahan niya ito sa ilang mga kampeonato sa UAAP.

Naging chairman din siya ng UP College of Human Kinetics Department of Sports Science.

Nagpaabot naman ng pakikidalamhati ang table tennis community sa mga naulila ni Santelices.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?