6

Feb 7, 2021 @ 14:55
By

Ex-Meralco coach mismo nagsabi! Blackwater lugi sa Belo trade

Mismong stepson pa ni Meralco head coach Norman Black ang gumigisa sa kanilang koponan matapos matuloy ang trade para makuha si Mac Belo sa Blackwater Bossing.

Sa nagdaang linggo, nagpatutsada si Chris Tan, na dati ring assistant coach ng Meralco, sa nangyaring trade kung saan binigay ng Bolts sina Baser Amer at Brian Faundo para kay Belo.

Tingin kasi ni Tan ay parehas lang value ni Belo kay CJ Perez, na pinutakte naman ng mga fan dahil tingin ay hindi naging patas ang pagkaka-trade nito sa San Miguel Beermen.

“Kasi yung kay CJ Perez 3 players plus 2 1st round picks, UNFAIR daw. Hindi ba same value si BELO kay PEREZ???” tweet ni Tan.

Nilarawan pa ni Tan na isang ‘gem’ si Belo dahil mahirap makahanap sa liga ng kayang maglaro ng tatlong posisyon, mapa-shooting guard hanggang power forward.

Tingin niya’y dapat na nagbigay pa ng isang first round pick ang Meralco para maging patas ang nasabing trade.

“I just believe another player or a 1st round pick should be included by Meralco. Upside of BELO has not been pushed to the limit,” giit pa ni Tan.

Kinumpirma din ni Tan sa isang tweet na wala na siya sa Meralco, at sa tweet ni sports personality Snow Badua ay natanong nito kung sinibak ba ni Black ang kanyang step son sa koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,