68

Jan 2, 2018 @ 17:46
By

Ex-mayor at misis, kinasuhan sa pagbenta ng sariling sasakyan sa munisipyo

Ipinagharap ng kasong katiwalian sa Sandiganbayan ang dating alkalde sa Leyte at kanyang misis matapos ibenta nang overpriced sa munisipyo ang kanilang dalawang lumang sasakyan.

Dalawang kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang isinampa laban kina Isabel Mayor Saturnino Medina Jr., kanyang misis na si Nolette at dating municipal administrator na si Perla Brebante.

Ayon sa Ombudsman, noong 2010 ay ibinenta ng mag-asawa ang kanilang Kia Pregio van (XRW 172) at Mitsubishi Pajero (WBN 808) sa munisipyo.

Ang Kia ay ipinagbili sa halagang P546,000 gayung ang market value nito ay P396,000 lamang.

Ang Pajero naman ay binili sa halagang P648,500 kahit na ang market value ay P600,000 lamang.

“Thereby giving unwarranted benefits to themselves and causing undue injury to the government in the total amount of P198,500 more or less, representing the overprice in the sale/purchase of the aforesaid vehicles to the damage and prejudice of the government,” saad ng reklamo. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?