67
sandiganbayan
By

Ex-Mayor Hagedorn, nagpiyansa sa kasong malversation

Sharing is caring!

Naglagak ng 40 libong pisong piyansa si dating Puerto Prinsesa City, Palawan Mayor Edward Hagedorn kaugnay ng kinakaharap na kasong malversation sa Sandiganbayn.

Sa resolusyon ng anti-graft court Third Division, nakitaan ng probable cause para litisin si Hagedorn sa kasong malversation of public property, at magpalabas ng warrant of arrest at hold departure order laban dito.

Pero bago pa man lumabas ang arrest warrant, inunahan na ito ng piyansa ng dating alkalde.

Itinakda ang arraignment at pre-trial kay Hagedorn sa June 29.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y kabiguan ni Hagedorn na ibalik sa city government ang 14 na Armalite rifles na nagkakahalaga ng P490,000, na nasa pag-iingat nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?