17

By

Ex-Makabayan lawmakers, pinasusuko ni Albayalde

Sharing is caring!

Umapela si Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde sa mga dating mambabatas ng Makabayan bloc na may kasong murder na sumuko na lang nang maayos sa kapulisan.

Ayon kay Albayalde, may kopya na ang PNP ng warrant of arrest laban sa mga dating kongresista na sina Satur Ocampo, Teddy Casiño, Liza Maza at Rafael Mariano.

Ginawa umano ni Albayalde ang apela bilang respeto na rin sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng gobyerno.

“I’m appealing to these individuals to just turn themselves over and submit to judicial processes,” aniya.

Noong Biyernes ay kinumpirma ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares ang warrant na inisyu laban sa apat na dating kongresista kaugnay sa pagkamatay ng Bayan Muna critics sa Nueva Ecija. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?