28

Sep 7, 2021 @ 15:46
By

Ex-Leyte Gov. Petilla todas sa COVID

Pumanaw si dating Leyte governor Leopoldo Enriquez Petilla matapos atakehin sa puso dahil sa mga komplikasyon dulot ng COVID-19.

Kinumpirma ito ni Palo, Leyte Mayor Ann Petilla sa Facebook post.

Yumao umano ang dating gobernador noong September 6.

Naglabas ng resolusyon ang Palo government para i-half-mast ang bandila sa Palo Municipal Hall mula September 6 hanggang September 7 para ipagluksa ang pagpanaw ng dating gobernador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?