16

By

Ex-Knicks star Charles Oakley, inaresto sa Las Vegas casino

Sharing is caring!

Dinakip si dating New York Knicks big man Charles Oakley sa Las Vegas nitong Linggo dahil sa pandaraya umano sa casino, ayon sa Nevada Gaming Control Board sa ESPN.

Inaresto si Oakley ng Nevada Gaming Control Board Enforcement Agents sa Cosmopolitan of Las Vegas dahil umano sa pagdaragdag o pagbabawas nito ng wager sa pagsusugal matapos nitong malaman ang resulta ng laban.

Ayon sa report ng TMZ, itinago ni Oakley ang $100 chip matapos nitong malaman na matatalo ang wager niya.

Dinala na si Oakley sa Clark County Detention Center.

Ang paglabag ni Oakley ay kinokonsiderang Class B felony na may parusang 1-6 na taon na pagkakulong at multang hindi lalagpas sa $10,000 para sa first offense. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?