39

May 8, 2021 @ 15:55
By

Ex-Kadamay leader, patay sa pamamaril

Patay sa pamamaril nitong Biyernes sa Angeles City, Pampanga ang isang lalaking dating lider umano ng isang grupo sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay).

Ayon sa awtoridad, ang biktima ay kinilala bilang si Jeffrey Aris, 37.

Dakong alas-5:00 a.m. ng umaga umano pinagbabaril si Aris sa Purok 5, Barangay Anunas.

Sinubukan pang dalhin ang biktima sa Angeles University Foundation Medical Center ngunit idineklara ring dead on arrival.

Si Aris umano ay dating nanguna sa isang grupo sa Kadamay, na tumiwalag na sa samahan. Ayon sa mga ulat, ang grupong dating pinangunahan ni Aris ay maka-gobyerno.

Ayon kay Capt. Joven Rodriguez, chief of police sa Angeles City, ang biktima ay naging pinuno rin ng isang grupo sa Pandi na inatasang gumawa ng isang bakod sa isang pinag-aagawang ari-arian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?