Ex-Justice Sec. Devanadera, itinalaga ni Duterte sa ERC

Sharing is caring!

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Solicitor General at Justice Secretary Agnes Vicenta Devanadera bilang bagong Energy Regulatory Commission (ERC) chief.

Sa appointment paper na may petsang Nobyembre 22, magsisilbi si Devanadera bilasng ERC chief hanggang Hulyo 10, 2022. Pinalitan nito sai dating ERC head Jose Vicente Salazar.

Sinibak si Salazar noong Oktubre dahil sa alegasyon ng korapsiyon sa ahensiya.

Si Devanadera ay nagsilbing solicitor general sa panahon ng administrasyon ni dating PangulongGloria Macapagal-Arroyo, mula 2007 hanggang 2009.

Naging kalihim din ito ng Department of Justice noong 2009 hanggang 2010.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?