21

Dec 21, 2020 @ 22:42
By

Ex-Justice natagpuang basag mukha, putol kamay at mga daliri

Tiniyak ng mga pumatay kay retired Court of Appeals (CA) Associate Justice Normandie Pizarro na hindi ito makilala sa pamamagitan ng pagbasag sa mukha nito, at pagputol sa kanang kamay at mga daliri, ayon sa isang mataas na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sabi ni NBI officer in charge Director Eric Distor, may mga witness na nakikipagtulungan sa imbestigasyon ng NBI na maaaring makatulong upang mabatid ang motibo sa pagkamatay ni Pizarro, na nakumpirmang ang bangkay na natagpuan sa Capas, Tarlac.

Dagdag ni Distor, posibleng kilala ni Pizarro ang mga suspek batay sa kung paano tsinap-chop ang mga bahagi ng katawan ng biktima.

“A bone sample from the unidentified cadaver found in Tarlac matched with the DNA test conducted by NBI Forensics from the blood samples of the relatives of Justice Normandie Pizarro,” sabi ni Distor.

Sa ngayon ay ilang indibiduwal na aniya ang kinakapanayam nila na posibleng magbigay ng kaliwanagan sa kaso ng pagpatay sa dating Court of Appeals justice.

“We have talked to witnesses who may have knowledge of the murderer’s motive and the circumstances leading to his death,” dagdag ni Distor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?