495

Jun 21, 2018 @ 3:05
By

Ex-Iloilo Mayor Mabilog, binantaan ulit ni Duterte

Inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banta nitong pagpatay kay dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog oras na bumalik sa Pilipinas.

Binitawan ni Duterte ang banta sa kauna-unahan nitong pagbisita sa Iloilo City matapos ang 2016 elections.

Sa kanyang mensahe, sinabi nito na papatayin niya talaga ang nasabing alkalde at sinumang mayor sangkot sa iligal na droga.

Matatandaang matagal nang itinatanggi ni Mabilog pagsasangkot sa kanya ni Duterte sa kontrobersiyal na narco list.

Hindi pa bumabalik ng bansa si Mabilog matapos na lumipad sa Japan at Malaysia para sa official trip noong Agosto 30 at makaraang mag-sick leave noong Setyembre.

Dinismis naman ito ng Ombudsman sa posisyon makalipas ang isang buwan dahil sa hindi nito maipaliwanag na kayamanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?