364

By

Ex-Ginebra player Chris Ellis lumutang sa Thailand

Makalipas ang dalawang taon, muling nakita sa basketball court ang ex-Ginebra player na si Chris Ellis.

Ang 30-anyos na wingman ay naglalaro ngayon sa Thailand para sa koponang Luang Prabang makalipas ang dalawang taon buhat noong umalis ito sa PBA.

Noong Sabado ay nag-debut sa Thai Basketball Super League (TBSL) si Ellis, kung saan natalo ito sa koponang kabayan, na binabandera ng dating Gilas naturalized player na si Marcus Douthit.

Maganda naman ang naging panimula ni Ellis na tumapos ng may 19 points, 10 rebounds at anim na assists.

Matatandaan na naglaho sa liga ang dating PBA Slam Dunk champion matapos itong i-trade sa Blackwater kasama si Dave Marcelo kapalit sina Art dela Cruz at Raymond Aguilar noong 2017.

Matapos ma-trade ay hindi ito naglaro para sa Blackwater hanggang sa i-release na ito at hindi na muli pang lumutang sa PBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?