50

Jun 24, 2021 @ 15:49
By

Ex-Gilas prospect nanguna sa BIG3 Draft

Pumwesto sa top spot ng BIG3 SuperDraft ang dating manlalaro ng Philippine team na si Isaiah Austin.

Kinuha si Austin ng Enemies, kung saan si dating NBA superstar Gilbert Arenas ang coach.

Si Austin ay dating naglaro bilang import ng Chooks-to-Go Pilipinas nang sumalang ito sa 2017 FIBA Asia Champions Cup.

Sa nasabing torneo, nag-average ng 32.6 points, 13.0 rebounds at 3.1 blocks si Austin para sa Pilipinas.

Matatandaan na noong 2014 ay sumalang sa NBA Draft si Austin, ngunit na-diagnose ito na may Marfan Syndrome.

Bukod kay Austin, first round pick din si Renaldo Balkman na napagkampeon naman ang Alab Pilipinas sa Asean Basketball League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?