174
mike-arroyo1
Aug 20, 2018 @ 20:03

Ex-FG Mike Arroyo, pinayagang makalipad pa-Europa

Nakakuhang muli ng permiso si dating Unang Ginoo Jose Miguel “Mike” Arroyo mula sa Sandiganbayan para makabiyahe ito sa pa-Europe.

Ito umano ang ikalawa nang paglabas sa bansa ng dating First Gentleman mula Mayo ngayong taon.

Hindi naman binanggit kung ano ang gagawin ni Arroyo sa naturang biyahe.

Si Arroyo ay nahaharap sa kasong katiwalian kaugnay sa pagbebenta ng kanyang helicopters sa Philippine National Police noong 2009 at 2010 kasama si dating PNP chief Jesus Versoza.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: