20
mike-arroyo1
By

Ex-FG Mike Arroyo pinayagan muli ng korte na mag-abroad

Sharing is caring!

Muling pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hirit ni dating First Gentleman Mike Arroyo na makalabas ng bansa.

Inaprubahan ng anti-graft court 7th Division ang motion to travel ni Arroyo para sa Tokyo, Japan at Hong Kong.

Bibiyahe ang dating unang ginoo mula October 27 hanggang November 7.

Pinayagan ito ng korte na muling mag-abroad dahil walang pagtutol mula sa prosekusyon.

Pero mahigpit ang bilin ng korte na sumunod ang dating unang ginoo sa mga kondisyong inilatag para sa kanyang pagbiyahe.

“The prosecution interposing no objection, the instant motion was granted during today’s motion hearing, subject to the usual terms and conditions imposed by the court,” ayon sa korte.

Nahaharap si Arroyo sa kasong katiwalian dahil sa maanomalyang transaksiyon ng pagbebenta ng kanyang helicopter sa PNP noong 2009.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: