2,718

By

ex-FG Arroyo muling bumanat, tinawag na ‘idiot at purveyor of fake news’ si Trillanes

Sharing is caring!

Muling inupakan ni dating First Gentleman Jose Miguel ‘Mike’ Arroyo si Senador Antonio Trillanes IV matapos umano itong magpakalat ng mali-maling impormasyong tungkol sa namayapang ama ni Pangulong Rodrigo Duterte na si dating Davao Gov. Vicente Duterte.

Sa kanyang Facebook comment sa post ni dating Press Secretary Rigoberto ‘Bobi’ Tiglao, tinawag na tanga ni Arroyo si Trillanes dahil umano sa pagkakalat nito ng tsismis na pumasa lamang ang Pangulo sa 1972 Bar Examinations sa kadahilanang nilakad umano ito ng kanyang pumanaw na ama.

“Who believes that idiot Trillanes anyway? He is a purveyor of fake news!” Giit ni Arroyo sa kanyang comment sa post Tiglao.

Ginawang katatawanan nila Arroyo at Tiglao ang nasabing pahayag ni Trillanes dahil ang nakatatandang Duterte na nagsilbi din bilang miyembro ng gabinte ng Administrasyong Marcos ay pumanaw noong taong 1968 samantalang ang kanyang anak ay kumuha lamang ng pagsusulit sa pagiging abogado noon 1972.

Unang giniit ni Trillanes noong Sabado (ika-8 ng Setyembre) na sinuhulan lang umano at nilakad ng dating gobernador ng Davao ang mga examiner noong 1972 Bar Examinations para makapasa ang kanyang anak na kasalukuyang Pangulo ng bansa.

Pero lingid sa kaalaman ni Trillanes, apat na taon ng patay ang nakatatandang Duterte ng ang kanyang anak ay pumasa sa Bar Exams. Naging ganap na abugado si Pangulo Duterte noon ika-20 Hunyo 1973, at may Roll No. 24488.

Sa isa pang hiwalay na comment, tinawag din ni Arroyo na ‘ulol’ si Trillanes.

Nitong nakaraang Martes (ika-4 ng Setyembre), tinawag ni Arroyo na duwag si Trillanes matapos itong boluntaryong magpasailalim sa kustodiya ng Senado imbes na sumuko kasabay ng pagkakabasura ng amnestiyang ibinigay sa kanila ng pamahalaan noong 2010.

Si Trillanes and iba pa niyang kasamahang sundalo sa grupong Magdalo ay naglunsad ng dalawang bigong kudeta laban sa kabiyak ni Arroyo na si dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo noong kasagkasagan ng Oakwood Mutiny at Manila Peninsula Siege.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?