dick-gordon

Ex-DOH Secs. Ona, Ubial inabswelto ni Gordon sa Dengvaxia fiasco

Sharing is caring!

Hindi pinakakasuhan ni Senador Richard Gordon kaugnay ng Dengvaxia controversy ang mga dating kalihim ng Department of Health (DOH) na sina Dr. Enrique Ona at Dr. Paulyn Jean Ubial.

Ayon kay Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee na nagsiyasat sa kontrobersya, walang maikakaso sa dalawa dahil hindi naman kakuntsaba sa umano ay “lutong macau” na pagbili ng Dengvaxia mula sa Sanofi Pasteur.

Panahon ni Ona sa DOH noong nagkaroon ng epidemya ng dengue pero sinabi ni Gordon na hindi naman ito ang nagpabili ng Dengvaxia.

Sa draft report ng Blue ribbon na inakda ni Gordon, tinukoy na nagsabawatan para sa apurahang pagbili ng Dengvaxia sina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, dating DOH Secretary Janette Garin, dating Budget Secretary Butch Abad at iba pang mga opisyal ng iba’t ibang health agency ng gobyerno.

Hindi naman pinakasuhan si Ubial dahil hindi rin kasama sa pasya na bumili at magturok ng Dengvaxia.

Itinuloy lang umano ni Ubial ang pagpapabakuna nito sa iba’t ibang lalawigan dahil “under duress” o napilitan bunsod ng pressure ng mga konggresista na gumisa rito noong sumalang ito sa Commission on Appointments (CA).

Pwede pa umanong maging testigo si Ubial laban kina Aquino at Garin dahil umangal din ito noon sa pagbabakuna ng Dengvaxia.

Idiniin naman ni Gordon na kahit abswelto sa Blue ribbon sina Ubial at Ona, malaya ang iba na sampahan ang mga ito ng kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?