84
tnt_dengvaxia
Feb 20, 2018 @ 20:51

Ex-DOH consultant sabit sa libel

Nalalagay sa balag ng alanganin ang dating consultant ni former Health secretary Paulyn Ubial matapos akusahang miyembro ng DOH mafia ang dalawang matataas na opisyales ng Department of Health.

Sinampahan ng kasong libelo sa harap ng Manila Prosecutor’s Office si Dr. Francisco Cruz, residente ng 34-A. Estanislao Street, Malibay Pasay City.

Naharap sa libelo si Cruz matapos nitong idawit si Assistant secretary Lyndon Lee Suy ng DOH kasama si Dr. Joyce Ducusin, Officer-In-Charge at Director ng DOH Family Health Office bilang kabilang sa 18 incumbent at ex-officials ng DOH na kabilang aniya sa tinatawag na “DOH Mafia.”

Ayon sa mga pahayag ni Cruz, kumita aniya ang mga opisyales na ito sa 3.5 bilyong pisong Dengvaxia deal. Pinalabas ni Cruz na may alam aniya siya sa nasabing mafia. Noong Enero, nagpa interbyu sa mga mamamahayag si Cruz at humarap pa ito sa Senate Blue ribbon committee hearing.

Sa nasabing hearing, walang kagatul-gatul na inakusahan ni Cruz ang mga doktor na nagkuntyabahan para diumano sa kita sa nasabing deal. Ipinagmalaki ni Cruz na siya ay dating consultant ng DOH noong panahon ni Paulyn Ubial.

Walang karanasan si Cruz sa mga usaping pangkalusugan, kaya naman ginawa siyang consultant sa good governance noong July 1, 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?