30
ABANTE adam hicks disney roberry
Jan 26, 2018 @ 17:13

Ex-Disney star Adam Hicks kinasuhan ng armed robbery

Inaresto si dating Disney star Adam Hicks kaugnay ng pagkaksangkot nito sa serye ng mga nakawan, ayon sa California police.

Ayon sa Burbank Police Department sa California, dawit si Hicks sa tatlong nakawan noong Miyerkules sa tulong ng kanyang kasintahan. Nasa kustodiya na rin ng mga pulis ang nobya ni Hicks.

Si Hicks, kilala sa kanyang rile sa Disney TV series na “Zeke and Luther” at 2011 movie “Lemonade Mouth,” ay inakusahan ng isa mga biktima na nanutok ng baril, tumangay ng ng pera, alahas at cellphones.

Pinayagan ang 25 anyos actor at singer na si Hicks na makapag-piyansa ng $350,000 sa kasong armed robbery.

Kasama si Hicks sa pelikulang “Shifting Gears” na nakatakdang ipalabas sa Marso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?