276

Jun 12, 2020 @ 9:57
By

Ex-DFA Sec. Yasay pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang dating Foreign Affairs Secretary na si Perfecto Yasay Jr.

Siya ay edad 73.

Kinumpirma ng United Church of Christ in the Philippines ang pagpanaw ng dating kalihim.

“We deeply regret the news of the passing of our former General Assembly Chairperson Solomon Abellera (1990-1994), the former Conference Minister of South Cotabato Saranggani District Conference Rev. Avelino Sichon and the current Chairperson of PCU Board of Trustees and former DFA Secretary Atty. Perfecto Yasay, Jr,” ayon sa Facebook post ng nasabing religious group.

Si Yasay ay nagsilbing DFA Secretary mula June 2016 hanggang March 2017.

Kinailangan nitong magbitiw sa pwesto matapos hindi katigan ng Court of Appeals tungkol sa kanyang kwestiyonableng citizenship.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?