236

Nov 27, 2017 @ 13:13

Ex-Deped officials sa Pagadian, sabit sa graft

Inirekomenda na ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kaso graft laban sa dalawang dating opisyal ng Department of Education Regional Office sa Pagadian City.

Sina Jesus Nieves at Marilou Tolosa pinakakasuhan ng paglabag sa malversatiion sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019).

Batay sa reklamong natanggap ng OMB-Mindanao’s Field Investigation Unit, ni-request umano ni Tolosa sa Philippine Veterans Bank (PVB) na isara ang account Belgian Integrated Agrarian Reform Support Programme (BIARSP).

Ang BIARSP account ay pondo na ibinigay ng Belgium government para sa isang specila project ng DepEd IX.

Matapos isara ang account, ang natitirang balanse na P157.93 ay inilipat sa Deped Regional Office Trust Account.

Noong Nobyembre 29, 2007, sa utos ni Nieves, dinebit ng PVB ang halagang P6,164,424.23 sa Deped Trust Account at inilipat sa sarado nang BIARSP account.

Disyembre 3, 2007 naman nang i-withdraw ng mga respondents ang P6.1 milyon sa sinabi nilang sarado nang BIARSP account.

Noong Hunyo 2012, nag-isyu ng Notice of Disallowance ang Commission on Audit laban sa pag-withdraw sa nasabing pera dahil wala namang kaukulang dokumento ang mga respondents.

Walang ring counter-affidavits na isinumite sina Nieves at Tolosa.

“As public officials in the discharge of their official functions, both acted with evident bad faith resulting to an injury to the government in the amount of P6,164,424.43. Respondents failed to explain how such public funds were spent and utilized,” sabi sa resolusyon ng Ombudsman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?