130

Jan 1, 2018 @ 10:18
By

Ex-DepEd official kulong sa ‘ghost bidding’

Kulong ng walo hanggang 18 taon ang iginawad na sentensiya sa isang dating official ng Department of Education sa Zamboanga Peninsula.

Base sa record ng korte, pineke ni dating Regional Director Jesus Nieves ang mga dokumento para palitawin na may naganap na public bidding para sa pagbili ng P4.78 milyon halaga ng educational materials noong 2006.

Napatunayan sa korte ang pagkakasala ni Nieves sa bawat bilang ng paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act.

Bukod pa dito nilitis din ang dating opisyal sa kasong falsification of public documents. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?