48

Oct 7, 2021 @ 14:43
By

Ex Defense secretay Gonzales tangka maging pangulo: Panahon na ng pagbabago

Naghain si dating Defense chief Norberto Gonzales ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo para sa May 2022 elections.

Ayon sa ulat, tatakbo ang opisyal sa ilalim ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP).

Aniya, ngayon na ang panahon para baguhin ang bulok na sistema ng bansa.

“Sa akin pong karanasan na halos isang dekada na paglilingkod sa goberyno, nakita ko po ang pagiging importante ng pulitika at uri ng pulitiko na magpapatakbo ng bayan natin,” wika niya.

“Nakikita ko naman po na maraming sasama sa akin na iikot sa bansa at sasabihin na sa palagay ko panahon na para baguhin natin ang bulok na pamumulika sa bayan natin,” dagdag pa niya.

Bukod sa pagiging dating Defense secretary, nagsilbi ring National Security Adviser si Gonzales sa administrasyon ni dating pagulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2007 at 2009 hanggang 2010. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?