27

Aug 23, 2021 @ 13:08
By

Ex-DBM exec babalatan sa DOH COVID-19 fund probe

Pinatatawag ng Senate blue ribbon committee ang dating opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) na inuugnay sa diumano’y overpriced na pagbili ng face mask at face shield ng Department of Health.

Inaprubahan ni Senate President Vicente Sotto III ang Subpoena Ad Testificandum na hinirit ng komite na nag-aatas kay dating DBM Undersecretary Lloyd Christopher Lao na dumalo sa susunod na pagdinig sa Miyerkoles hinggil sa paggamit ng DOH sa pondo para sa pandemya.

Sabi ng Blue ribbon committee, mahalagang lumutang si Lao dahil maraming katanungang dapat masagot lalo ang tungkol sa pagbili ng over priced na medical supply at na nauna nang sinabi ni DBM officer-in-charge Tina Usec. Tina Rose Canda sa unang pagdinig ng komite noong nagdaang linggo.

Nabanggit ang pangalan ni Lao sa unang pagdinig ng Senado matapos i-raise ng mga senador ang isyu tungkol sa overpriced na face shield at face masks na nauna nang nadiskubre ng Commission on Audit.

Sabi ni Canda sa mga senador, noong panahon ng termino ni Lao nabili ng Procurement Service ng DBM (PS-DBM) ang bulto ng face masks na nagkakahalaga ng P27.22 kada isa at face shield na P120 bawat prisado.

Nauna nang sinabi ni Lao na nakahanda siyang humarap sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee. Itinanggi rin nito na may iregularidad sa pagbili ng medical supply at equipment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,