42

By

Ex-Davao City administrator itinalagang OIC-SAP

Sharing is caring!

Hinirang ng Malacañang si Jesus Melchor Quitain bilang Officer-in-Charge sa Office of the Special Assistant to the President (OSAP) na binakante ni Secretary Bong Go.

Batay sa memorandum na inilabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea, si Quitain ang pansamantalang magpapatuloy sa operasyon ng OSAP habang wala pang napipili si Pangulong Rodriogo Duterte na ipalit sa kanyang pinagkakatiwalaang kanang-kamay.

Binakante ni Go ang OSAP matapos maghain ng certificate of candidacy para sa 2019 midterm election.

Si Quitain ay kasalukuyang Undersecretary ng Office of the Special Assistant to the President.

Dati itong administrator ng Davao City at malapit sa pamilyang Duterte at isa ring kolumnista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?