259
Pulis-QC swak sa 'Love Triangle'
May 23, 2019 @ 19:19
By

Ex-Customs official arestado sa extortion

Timbog sa P1.1 million extortion ang isang dating opisyal ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon sa ulat, nadakip si dating deputy commissioner Roberto Geotina at kasabwat na si Nancita Nuguid sa ikinasang entrapment operation sa isang restaurant sa Quezon City noong Miyerkoles matapos maaktuhan na tinatanggap ang pera mula sa nagreklamong importers ng mga armas.

Isa sa mga negosyante ang nagsabing isang broker ang nagpakilala sa kanila kay Geotina matapos harangin ang tatlong shipment ng gun spare parts sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City noong Disyembre.

Nag-demand umano si Geotina ng P1.1 million para i-release ang mga naturang shipment.

Ayon sa NBI, sinampahan na umano ng estafa complaint sina Geotina at Nuguid nitong Huwebes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?