19

Aug 15, 2020 @ 13:00
By

Ex-COVID adviser: MECQ i-extend!

Hiling ng dating special adviser ng National Task Force on COVID-19 response na pahabain ng dalawa pang linggo ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at iba pang karatig-bayan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng virus sa bansa.

Ito’y dahil tila hindi pa rin nakokontrol ang pagdami ng COVID-19 case sa bansa, na nitong Biyernes ay umabot na sa higit 153,000.

“What is clear right now, unrelenting ang pagtaas ng cases natin, hindi natin nababawasan ang viral transmission. If we go down sa GCQ (general community quarantine), all the more na ‘yung viral transmission ‘di natin makokontrol while the health system capacity is not yet in place,” ayon kay Dr. Tony Leachon sa panayam sa Teleradyo.

Sa Agosto 18 nakatakdang matapos ang MECQ sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan, kung saan dati nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na kayang dumaan sa striktong lockdown ang NCR dahil sa bumabagsak na ekonomiya ng bansa.

Ngunit para kay Leachon, mas maganda umanong mag-lockdown ng isang buhos kaysa muling ibalik sa MECQ ang Metro Manila sakaling patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

“If we can sacrifice for 2 weeks, ibaba natin ang figures then we’ll have a merry Christmas rather than i-open natin, mag-GCQ tayo and later on sa bandang September balik tayo sa MECQ kaya ‘di tayo magsa-succeed nun, walang continuity,” lahad ni LEachon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?