27

By

Ex-coup plotter, senior aide ni Cayetano, bagong ConCom members

Sharing is caring!

Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte sina dating retired Navy Commodore Rex Robles at Atty. Jose Martin Loon bilang mga bagong miyembro ng Consultative Committee (ConCom) na mag-aaral sa ikinakasang pag-amiyenda sa Konstitusyon.

Ang appointments nina Robles at Loon ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Abril 6, 2018.

Si Robles ay isa sa mga founder ng Reform the Armed Forces Movement (RAM), na nanguna sa mga tangkang kudeta noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Nakilala umano ni Pangulong Duterte si Robles sa pamamagitan ni Senador Gregorio Honasan.

Si Loon naman ay naging senior aide at consultant ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano noong senador pa ito, at kauna-unahang Filipino na tumanggap ng Masters of Laws degree in National Security Law, sa University of the Philippines College of Law.

Tatlong slot na lamang ang kulang para mapunan ang 25 members ng ConCom.

Ang ConCom ay pinamumunuan ni dating Supreme Court Justice Reynato Puno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?