12
views

By

Ex-cop huli sa buy-bust

Sharing is caring!

Naaresto ang isang dating pulis na high value target dahil sa pagtutulak nito ng ipinagbabawal ng gamot sa isinagawang buy-bust ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Tuktukan St., Brgy. Masambong, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ang suspek na si PO3 Wilborn Lava, alyas R1 at Sarge, 46, may-asawa, nakatira sa No. 67 West Riverside St., Brgy. Del Monte, Quezon City.

Si Lava ay itinuturing na high value targets drug personalities ng District Intelligence Division ng QCPD.

Ayon kay Supt.Carlito Mantala, hepe ng Masambong Police Station 2, dakong alas-6:30 ng gabi nang i-operate nila ang suspek dahil na rin sa reklamo ng mga residente.

Isang ‘undercover cop’ ang bumili ng halagang P14,000 na droga sa suspek at habang iniaabot ang bawal na gamot ay mabilis itong pinosasan.

Nabawi pa sa dating pulis ang dalawang plastic sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P28,000 at P13,000 boodle money na tig-iisang libo na hinihinalang kita sa pagbebenta ng droga.

Si Lava ay napasok sa PNP noong 1998 at itinalaga bilang liaison officer sa Regional Personnel and Human Resource Development Division sa loob ng 17-taon, nalipat National Capital Region Police Office noong 2015 at bigla na lamang nag-absent without official leave o AWOL.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?