11
Abante-TnT-6-na-drug-pusher,-huli-sa-buy-bust-sa-QC
By

Ex-cop, 5 pa laglag sa drug bust

Sharing is caring!

Swak sa kulungan ang isang nasibak na pulis at limang iba pang suspek sa anti-drug operation na isinagawa ng mga awtoridad sa Quezon City kagabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang nadakip na si dating PO2 Alfredo Espinosa, 57-anyos, kasama ang limang iba pa na sina Noel Austria, 48; Yander Jobe Cagata, 39; Miguel Yudico Jr., 27; Joel Recto, 34, at Raymond Yumul, 30, Brgy. Batasan Hills, QC.

Batay sa report, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Batasan Police Station 6 dakong alas-11:30 ng gabi noong Mayo 17, 2018 sa No. 011 Santo Niño St., Payatas A, Brgy. Payatas laban sa suspek na sina Austria at Yudico na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga ito.

Sa naturang operasyon, namataan ng mga operatiba si Espinosa at ang iba pang suspek sa aktong sumisinghot umano ng shabu habang nagsusugal ng cara y cruz.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 12 sachets ng shabu, drug paraphernalia, buy-bust money at taya sa sugal.

Nabatid na si Espinosa ay pumasok sa PNP service noong 1981 at naitalaga sa Central Police District (QCPD) taong 2000 bago siya na re-assigned sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit at sa National Capital Regional Police Office sa Bicutan, Taguig City.

Subalit nitong Hulyo 4, 2006 ay hindi na ito pumasok dahilan upang masibak sa serbisyo dahil sa pagiging AWOL at sa kasong serious neglect of duty.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?