42
soco-21
By

Ex-convict itinumba ng drug syndicate

Sharing is caring!

Pinaulanan ng bala ng baril hanggang sa mamatay ang isang dating bilanggo ng mga hinihinalang drug syndicate sa loob mismo ng bahay nito sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Rodelio Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang biktima na si Angelito Matunan Cruz, 52-anyos, matandang binata, jobless, at residente ng No. 20 Margarita St., Brgy. Gulod, Novaliches, QC.

Sa pahayag ng nakasaksing si Joana Cruz kay PO3 Geroge Caculba, ng CIDU-QCPD, ang pamamaril ay naganap dakong alas-9:40 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima.

Naglalaro umano siya ng computer at paglabas niya sa shop ay nakita niya ang dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo, at huminto sa tahanan ni Matunan.

Ilang sandali lamang ay nakarinig na umano siya ng sunud-sunod na putok ng baril at pagkatapos ay muling nakita ang mga suspek na kapwa nakasuot na ng bonnet at nagmamadaling sumakay sa kanilang motorsiklo na walang plaka.

Nabatid na ang biktima ay nakulong noong Disyembre 2016 sa Quezon City Jail at kalalabas lamang nitong Hulyo 2017 sa kasong pagtutulak ng iligal na droga.

Hinala ng pulisya, ang mga sindikato sa iligal na droga ang nagpatumba sa biktima upang patahimikin ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?