By

Ex-Cong. Roilo Golez, walang babae – Duterte

Sharing is caring!

Nakatakdang dumalaw mamayang gabi si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ni dating National Security Adviser at dating Congressman Roilo Golez pagkatapos ng joint AFP at PNP command conference sa Malacañang.

Ang Pangulo at si Golez ay nagkasama noong 11th congress sa House of Representatives.

Ayon sa Pangulo, mas matanda siya ng dalawang taon kay Golez, hindi umiinon at clean living ang lifestyle kaya nakakagulat ang biglaang pagpanaw nito.

Hindi aniya katulad ng ibang alkalde na maraming bisyo,panay ang inom at sigarilyo pero buhay pa.

Bukod dito, sinabi ng Pangulo na wala siyang nabalitaang may ibang babae si Golez.

“Magkasama kami sa 11th Congress noon. So he’s just 71. Ako 73. And walang bisyo ‘yung tao na ‘yun. Well I really do not know but hindi yata umiinom ‘yun. Eh ano, ‘yung clean living. Wala akong nabalitaang babae. Yung dito maraming mayor sige inom, sige sigarilyo. Tapos hanggang ngayon buhay pa,” anang Pangulo.

Ang labi ni Golez ay nakaburol sa Heritage Park sa Taguig, City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?