52

Dec 5, 2017 @ 17:19

Ex-ConCom commissioner Ma. Teresa Nieva, pumanaw na

Sumakabilang buhay na si Ma. Teresa Feria Nieva, dating miyembro ng Constitutional Commission (ConCom) na gumawa ng 1987 Philippine Constitution sa edad na 94.

Sa isang statement na ipinalabas ng pamilya, pumanaw si Nieva sa kanilang tahanan noong Disyembre 2, alas 2:29 na hapon.

Si Nieva ay isa sa anim na commissioners na itinalaga ni dating Pangulong Corazon Aquino sa ConCom matapos ang 1986 People Power Revolution.

Nakalagak ang burol ni Nieva sa Don Bosco Faith Chapel hanggang Miyerkules.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?