40

Ex-con natagpuang pugot ang ulo sa Pagadian City

Sharing is caring!

Natagpuang pugot ang ulo ng isang 29-anyos na lalaki sa Pagadian City, na nakulong noong 2014 dahil sa kasong rape at arson sa Zamboanga City.

Narekober ang katawan ni Alberto Empal, 200 metro ang layo mula sa bahay nito sa Purok Ipil-ipil sa Barangay Ditoray bandang alas-sais ng umaga nitong Martes, ayon sa ulat.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nakikita ang ulo ng biktima.

Kinilala ng kanyang mga kaanak ang walang ulo na katawan ng biktima, na huling nakitang buhay noong Lunes habang nakikipag-inuman sa mga kapitbahay.

Ani Loreto, kapatid ng biktima, dakong alas-nuwebe ng gabi noong Lunes nang marinig nilang humihingi ng tulong si Alberto pero hindi na nila nakita dahil sa may kadiliman na.

Kinabukasan ay may nagsabing kapitbahay na may natagpuang katawan na walang ulo malapit sa kanilang bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?