1,101

Dec 23, 2017 @ 16:12

Ex-Compostela Mayor Gilbert Wagas, pumanaw sa NBP

Pumanaw na ang dating alkalde sa Cebu, na pinakabatang mayor na naihalal noon sa Pilipinas.

Namatay si Gilbert Wagas, 54-anyos, sa New Bilibid Prison (NBP) alas-7:20 ng gabi nitong Disyembre 20 matapos ang ikalawang stroke dahil sa hypertension, ayon sa SunStar.

Naitalaga umano si Wagas bilang officer-in-charge-municipal mayor ng Compostela, Cebu noong 1986 sa edad na 21.

Sa edad na 23 noong Enero 18, 1988 ay nanalo naman ito bilang alkalde ng kanyang bayan.

Natalo naman siya ni Cong. Ramon ‘Nito’ Durano III taong 1992 nang tumakbo bilang congressman ng 5th District ng Cebu.

Nakulong sa NBP si Wagas matapos mapatunayang guilty sa kasong graft ng Sandiganbayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?