44

Dec 6, 2017 @ 12:19
By

Ex-Comelec chief Bautista, ‘no show’ sa Senate probe

Hindi sinipot ni dating Comelec Chairman Andres Bautista ang pagdinig ng Senado ukol sa diumano ay itinago niyang yaman sa isang maliit na bangko.

Ayon kay Sen. Chiz Escudero, chairman ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies, pag-aaralan nila kung iisyuhan na si Bautista ng subpoena.

Tinanggap naman umano ang imbitasyon para kay Bautista sa isa sa tatlong bahay na hinatiran nito pero walang ipinadalang tugon o abiso ang dating chairman.

Pagpapaliwanagin sana si Bautista ukol sa 35 niyang savings accounts sa Luzon Development Bank na diumano’y nagkaroon ng mahigit P300 milyong deposito na hindi nakadeklara sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) nito.

Ibinulgar ito ng kanyang asawa na si Patricia Bautista.

Si Bautista ay nagbitiw sa tungkulin kahit ibinasura ng Kamara ang impeacment complaint laban sa kanya. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?