11

Sep 28, 2020 @ 16:33
By

Ex-chairman sa Cebu nanlaban umano, patay sa NegOcc shootout

Napatay sa tinawag ng pulisya na shootout sa Murcia, Negros Occidental ang dating barangay chairperson ng Lugo sa Borbon, Cebu.

Natukoy ang yumao na si Jinnefer Mercader, 43. Nagtamo siya ng mga tama ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Napaulat na sabi ni Murcia police officer-in-charge Police Lt. John Paul Tabujara, si Mercader ay isang “high-value target” na nakatakas mula sa Medellin District Jail noong Marso 5, 2019.

Nakumpiska mula kay Mercader ang isang .45 caliber pistol, 12-gauge shotgun, at P400,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Pinasusuko umano ng mga awtoridad si Mercader, na mag-isang naninirahan sa isang bukid.

Pero nanlaban umano ang dating chairman at bumaril sa mga pulis kaya gumanti ang huli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?