69

By

Ex-chairman nakaladkad ng bus

Nasawi ang isang dating kapitan ng barangay nang ang minamaneho nitong motorsiklo ay masalpok ng pampasaherong bus sa Lucena City diversion road nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang namatay na si Pedrito Ranillo, 76 anyos, residente at dating barangay chairman ng Barangay Talao-Talao, Lucena City sa Quezon.

Batay sa report ng Lucena City police, galing ang biktima sa compound ng new city hall sa Barangay Kanlurang Mayao nang habang papatawid na ito sa 6-lane highway ay nahagip ito ng northbound na Cagsawa Travel and Tours bus bandang alas-7:00 ng umaga, Disyembre 16.

Sa lakas ng pagkasalpok, nakaladkad pa nang ilang metro ang motorsiklo at nagtamo ng mga grabeng pinsala sa ulo at katawan ang biktima

Hindi na ito naisugod sa ospital at nasawi noon din.

Naaresto naman ang driver ng bus na si Roberto Tres Reyes Trinidad at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?