153

Jan 2, 2020 @ 17:56
By

Ex-chair ng Accord Savings Bank kinasuhan ng DOJ

Sinampahan na ng mga kasong criminal ng Department of Justice ang dating chairman ng sarado nang Accord Savings Bank (ASB) dahil sa paglabag sa Republic Act No. 3591 o ang charter ng Philippine Deposit Insurance Corporation.

Sabi ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), ang dating chairman ng ASB ay dati ring Chief Executive Officer ng Philippine Farmers Bank (PFB) na sarado na rin. Ang ASB ay thrift bank na may 11 branch bago ito pinasara nung April 17, 2009 samantalang ang PFB naman ay rural bank na may 14 branch bago pinasara nung September 17, 2009.

Sabi ng PDIC ngayong Huwebes, Enero 2, 2020, kasama sa kinasuhan ang dating board director ng ASB at isa pang dating vice president ng PFB. Ang mga kaso ay nakasampa ngayon sa Regional Trial Court Branch 148 sa Makati City.

Ayon sa reklamo ng DOJ, nagkuntsaba ang tatlo para gamitin ang P69.5 milyong pondo mula sa PFB para bumili ng shares sa ASB na ikinalugi ng mga depositor ng parehong bangko.

Nang tinake over lamang ng PDIC ang ASB at PFB nalaman na pondo ng depositors PFB ang ginamit sa pambili ng stocks sa ASB.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?