36

Aug 19, 2021 @ 9:23
By

Ex Cebu gov. Pablo Garcia pumanaw na

Pumanaw na si dating Cebu governor Pablo “Pabling” Paras Garcia sa edad na 95.

Inanunsyo ito ng kanyang pamilya nitong Miyerkoles ng gabi.

Hindi naman iniulat pa ang naging sanhi ng kanyang pagpanaw.

Ayon sa anak niyang si Cebu 3rd District Representative Pablo John “PJ” Garcia Jr., tanging para sa “immediate family” lang ng opisyal ang magiging burol nito dahil sa kasalukuyang quarantine status qualification ng kanilang lungsod.

“Further announcements on necrological services shall be made as soon as quarantine restrictions ease,” saad sa pahayag.

“The family requests prayers for his eternal repose, and privacy in this difficult time of profound grief.”

Nagsilbing gobernador sa tatlong termino si Garcia sa Cebu mula 1995 hanggang 2004.

Bago pa man naging gobernador, umupo na siya bilang konsehal sa Dumanjug, congressman ng kanilang ikatlong Congressional District, at naging senior board member ng kanilang probinsya.

Siya rin ang ama ni kasalukuyang Cebu Governor Gwendolyn Garcia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?