14

By

Ex-Caloocan mayor Echiverri, absuwelto sa isang kasong graft

Sharing is caring!

Pinawalang-sala ng Sandiganbayan First Division si dating Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa isang kasong katiwalian kaugnay ng umano’y maanomalyang road improvement and drainage system project.

Kinatigan ng korte ang motion to dismiss on demurrer to evidence o hiling na ipawalang-saysay ang kaso dahi sa kawalan ng matibay na ebidensiya.

Sa desisyon ng anti-graft court, sinabing bigo ang prosekusyon na patunayan ang pagkakasala ng mga akusado.

Bukod kay Echiverri, kasamang naabsuwelto sa kasong graft at falsification of public documents ang dalawang opisyal ng Caloocan na sina Edna Centeno at Jesus Garcia.

Sa impormasyong isinampa ng Ombudsman sa Sandiganbayan, sinabing ini-award ng Caloocan City government ang P8.8 milyon na proyekto sa P.B. Grey Construction nang walang pag-apruba ng sangguniang lungsod.

Pinalabas din umano nina Centeno at Garcia na may nakalaang pondo para sa proyekto kahit wala naman talaga.

Nahaharap si Echiverri sa 44 na bilang ng kasong graft sa iba’t ibang dibisyon ng Sandiganbayan, at ito ang unang graft case ng dating alkalde na ibinasura ng korte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?