tyson-fury

Ex-boxing champ Tyson Fury, kakasa ulit matapos ang doping ban

Sharing is caring!

Magbabalik sa parisukat na ruweda si dating world heavyweight champion Tyson Fury matapos ang doping ban.

Pumirma na ang 29-anyos na Briton sa promoter na si Frank Warren at planong sumabak sa Hunyo 9 sa Manchester Arena ngunit wala pang binanggit kung sino ang makakalaban nito.

Hindi pa sumasabak sa suntukan si Fury simula nang talunin nito si Wladimir Klitschko noong Nobyembre 2015 at napanalunan ang WBA, IBF at WBO belts.

Sinuspinde ng British Boxing Board of Control si Fury noong 2016 dahil sa paggamit ng droga at mga gamot matapos ang hiwalay na imbestigasyon ng U.K. Anti-Doping.

Natapos ang kaso noong Disyembre nang tanggapin ng boksingero ang 2-taon na doping ban dahil na rin sa mataas na antas ng nandrolone na nakita sa kanyang ihi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?