43

Oct 11, 2021 @ 18:45
By

Ex-BIR chief buo ang suporta kay Lacson

Hindi magiging ‘kakampink’ si dating BIR commissioner Kim Henares sa 2022 elections at sa halip ay ibibigay nito ang suporta sa kandidatura ni Senador Panfilo Lacson.

Si Henares ay naging BIR chief noong administrasyong Noynoy Aquino.

Ayon sa kanya, malaki ang naging tiwala ng yumaong dating pangulong PNoy kay Lacson at ginawa itong rehabilitation czar matapos ang hagupit ng bagyong Yolanda noong 2013.

“I believe the next President will be inheriting and facing a lot of problems/challenges. More than what PNoy had to face. Therefore, we need someone who can hit the ground running, who have a clear vision on what he/she wants to do and have a clear plan on how to go about achieving this, and who can instill discipline in the bureaucracy (that has run wild),” saad ni Henares.

“Furthermore, if PNoy thought Ping Lacson was worthy enough to help him during his administration, then I do not see why I should not consider him as my candidate,” dugtong pa niya.

Wika pa ni Henares, maraming katangian ang isang pangulo na kay Lacson lamang makikita kumpara sa iba pang mga presidentiable.

Kabilang umano rito ang kaalaman niya sa proseso ng budget, pagiging advocate ng public-private sector partnership, kaalaman sa law enforcement, planong gawing digital ang sistema ng gobyerno, at ang pagiging matatag umano nito bilang lider.

Si Lacson ay tatakbo katambal si vice presidential candidate Senador

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?