85
Abante-TnT-Bili-lang-kasi-ng-bili,-'di-pinag-aralan-ang-Dengvaxia---Gordon
Mar 28, 2018 @ 11:03
By

Ex-BI Intel chief dapat kasuhan ng bribery – Gordon

Pinuri ni Senador Richard Gordon ang Office of the Ombudsman dahil kinasuhan sa Sandiganbayan ng pandarambong at katiwalian ang dalawang dating deputy commissioner ng Bureau of Immigration (BI) na natukoy na nangotong ng P50 milyon mula sa Chinese casino mogul na si Jack Lam.

Pero nakulangan pa rin si Gordon dahil hindi kasama sa pinakasuhan ang dating chief ng intelligence ng BI na si retired Gen. Charles Calima.

Idiin na sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee na kaniyang pinamumunuan, natukoy na nakihati si Calima sa bribe money at inamin nitong nahawakan ang P18 milyon.

Ikinatuwiran noon ni Calima na nagkunwari siyang makikihati kina dating BI commissioners Al Argosino at Michael Robles, kapwa fraternity brother nina Pangulong Duterte at Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa Lex Talionis.

Pinaniwalaan ng Ombudsman ang katwiran ni Calima na bahagi ng kaniyang intelligence work ang pagpapanggap na makikibakas sa bribe money pero iba ang konklusyon ng Blue ribbon committee.

Ang suhol ay kapalit ng pagpapalaya ng BI sa 1,316 Chinese nationals na nahuli na ilegal na nagtatrabaho sa casino ni Jack Lam sa Clark Field, Pampanga.

“We hail the action of the Ombudsman to charge these people in accordance with the recommendations of the Blue Ribbon although the Blue Ribbon feels that Gen. Calima should be charged,” ani Gordon.

Nakunan ng CCTV camera sa isang hotel sa Paranaque na tinanggap nina Argosino at Robles ang paper bags ng mga salapi na inabot ni Wally Sombero, dating pulis at tauhan umano n Jack Lam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?