84

Oct 27, 2017 @ 15:56

Ex-BI execs na sangkot P50-M bribery scandal, kakasuhan ng plunder

Ipinag-utos na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsasampha ng kasong plunder sina dating Immigration deputy commissioners Al Argosino at Michael Robles, at retired police officer Wally Sombero kaugnay na pagkakasangkot nila sa P50-million bribery scandal noong 2016.

Ang tatlo ay nahaharap ng direct bribery and violation of Section 3(e) of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at dalawang counts paglabag sa Presidential Decree No. 46, o parusa sa public official na tumatanggap ng regalo mula sa pribadong indibidwal.

Sa imbestigasyon ng Ombudsman, nadiskubre nilang tumanggap sina Argosino at Robles ng P50 milyon mula sa Chinese casino mogul na si Jack Lam sa pamamagitan ng middleman nitong si Sombero noong Nobyembre 27, 2016.

Ang P50 milyon ay para diumano sa pag-release ng 1,316 illegal Chinese na nagtatrabaho ng iligal sa Fontana Leisure Parks and Casino sa Clark, Pampanga na pag-aari ni Lam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?